|
![]() |
![]()
|
![]() >> Core Of Corruption - Jio >> Hygeia Love - Kuya Caloi & Ate Luisa >> Mindtwist Photography - Mindtwist >> Kaleidoscopic Words - Elise >> Trixie Eat World - Ate Trixie >> Dithyramb - Ena >> Megumi Selvana - Ate Marian >> Do The Rocket Man - Daryl >> Vava Screams - Eva >> Absurdity Of Randomness - Souichiro >> Alexy Star - Alexy >> Techno-Color - Hana >> Burst That Bubble - Mirah >> My Kawaii Bloggie - KC >> Focus On Hocus Pocus - Ate Saab >> Raymi The Minx - Raymi >> Bryanboy - Bryan >> Perez Hilton - Perez >> Xiaxue - Xiaxue ![]() >> Images: Adobe Photoshop CS2, TinyPic, & Photobucket >> Background Music: FileDen >> Blog Host: Blogger |
Wednesday, September 3, 2008 - 1:50 AM
AYOKO NA MAGING SINGLE!
Okay, this post is gonna be in Taglish ( Tagalog-English ). Sorry nalang sa mga hindi makakaintindi. Feeling ko kasi mas mae-express ko kasi ng mabuti yung nararamdaman ko ngayon kung magsasalita ako in Taglish eh. Kanina ko pa pinapakinggan yang kanta na yan eh. Lalo ko tuloy nararamdaman yung pagka-single ko. Ayun.. so you've read the title na. OO, AYOKO NA MAGING SINGLE. Nakakainis. Pero teka, bago ang lahat, siguro nagtataka ka nga naman din kung bakit ba single pa ako di ba? Bakit nga ba ako single ha? 1) Mahirap na, baka masaktan ako ulit. >> Hindi naman sa takot akong masaktan. It's just that ayoko lang nung tulad nung tulad nung sa relationship namin ni Ran, yung tipong araw-araw ako umiiyak ( minu-minuto nga ata eh ). Tapos nung nag-break pa kami nako naman kala mo namatayan ako eh. Ayoko. Isa pa, super morbid ko kapag malungkot ako eh, baka kung-ano nanaman magawa ko sa sarili ko. Pucha naman kasi bakit ba talaga hindi mapaghiwalay ang love and pain? Pshh. Ang KJ talaga ng nag-imbento ng love, kakatayin ko siya eh. 2) Yung type ko, puro taken na. Yung hindi naman taken, ang daming diperensya. >> Puro sila may girlfriend na, pwe. Yung wala namang girlfriend, bakla. Bwisit. Okay pa sana kung bisexual lang eh, may pag-asa pa. Pero WALA, bading sila ehh, eh hindi naman ako lalake.. so ano magagawa ko? 3) Medyo mahal ko pa ex ko eh. >> Oo, si Raniel ( si enyang po ). At oo na, sinungaling na ako, sige. Alangan naman kasi sabihin ko sa inyo na I'm not over him pa, edi lalo ko lang nilubog sarili ko sa lungkot. Pero pwe, ayoko na balikan yun eh. Aalis na rin yun in maybe 2 years eh ( or siguro baka pagkatapos niyang gumraduate ng college ), pupuntang Canada. Pshhh. 4) Medyo mapili ako eh. >> Mapili na kung mapili. Oo, medyo tumitingin din ako sa itsura. Let's not be plastic here, syempre kailangan eh yung maipapakilala ko naman sa pamilya ko. Yung hindi gusgusin, hindi uhugin, yung maporma, yung maarte sa buhok. Honestly, ikaw ba pag ang boypren mo itsurang amoy kalye, ipapakilala mo pa ba sa mga magulang mo? Abnormal ka kung oo, hampasin kita eh. At ayun.. kung sa ugali naman, ayoko naman kasi nung isip bata. Karamihan kasi ng nakikilala ko, ganun eh. Ayoko pa sa mga lalakeng sobrang laid-back, yung tipong walang pakialam sa kung-ano ang mga nangyayari sa buhay niya, yung tipong walang pangarap sa buhay tsaka mukhang DOTA. Anak ng.. aanhin niyo ba yang mga laro na yan ha? Nakakainis eh. Ayun, nako.. yung sa #4, wag niyo masyadong seryosohin. Syempre naman, kung mahal nga naman ba kita eh matatanggap ko rin yung mga mali sayo kahit mapili ako di ba.. pwera nalang siguro dun sa gusgusin saka uhugin na part. Pwe. Ayun.. pero err, going back, AYOKO NA NGA MAGING SINGLE EH! Nakakamiss rin kasi yung buhay taken. Yung tipong may laging mag-aalala sayo, mag-aasikaso. Yung may lalambingin ka pero hindi ka masasabihan ng malandi kasi alam naman ng mga tao na kayo na, yung pag malamig eh yayakapin ka, yung aaway-awayin mo kahit wala kang dahilan ( in short: gusto mo lang ) tapos babalik at babalik parin sayo even in times na na-bratatatatatat mo na siya ng mura. Yung kahit masaktan mo emotionally pero wala lang, hindi niya iintindihin kasi mahal ka niya. Yung mumurahin ka pag nagkasakit ka kasi nag-aalala sayo pero ikaw pasaway wala ginagawa parin yung bawal pag nagkasakit ka pero siya nag-aalala na sayo tapos mumurahin ka pa kasi pinapatay mo siya sa pag-aalala pero habang tinatadtad ka niya ng mura eh inaalagaan ka naman ( ay nako miss ko na to hahaha ). Yung tatawagan ka parati; yung tipong minu-minuto o oras-oras kung tumawag eh wala lang naman palang sasabihin. Yung tatawag ng madaling-araw para lang i-check kung tulog ka pa tapos pag hindi eh ay nako dadaldalin ka muna; yung yayakapin ka sa harap ng maraming tao tapos walang pakialam kahit may nakatingin na o ano ( eh gusto ka niyang yakapin eh, bakit ba? ) Tapos yung tipong papakilala ka sa buong angkan niya, kahit nga kapitbahay or costumer sa shop nila kilala ka, tapos yung tipong magse-selos tapos pag na-bisto mong nagseselos na pala eh wala, todo deny pa. Yung tipong kakantahan ka pa sa telepono bago matulog, yung tipong dahil mabagal ka lang mag-reply sa text eh nagtatampo na, yung pag may iba kang kausap na lalake eh susungalngalin. Tapos pag may umaway sayo, hindi lang siya ang magta-tanggol sayo kundi buong tropa niya. Yung tipong iiyak-iyakan ka, makikipag-break na dahil sobrang mahal ka niya pero babalik-balik rin naman kasi di ka natiis. Yung makikipag-cool off sayo pero within one day wala, kayo ulit ( hahahaha ENYANG ALAM MO TO ). Yung mabalitaan lang na may lumalandi sayo eh umaapoy na yung ilong ( dragon ang eks ko ), tapos makita ka lang may katabing iba sa picture eh naiinis na. Yung iingatan ka, yung kahit lamok hindi padadapuin sayo, yung ipapasan ka sa likod niya pag pagod ka na, yung tatabihan kang matulog tapos pag natulog ka naman ay nako nakatitig parin pero pag nag-simula ka nang mag-hilik eh hahampasin ka na kasi ang ingay mo ( lambing DAW yun ). Then yung tipong pag nanuod kayo ng movie eh aakbayan ka, pakipot pa tapos isasandal mo yung ulo mo sa kanya tapos yayakap ka tapos ay nako ALAM NA hahaha.. ..ay pucha andami ko na palang naisulat. Pwe. Ayan oh, kitang-kita niyo naman na ayoko na talagang maging single. Kainis naman kasi! Ano bang buhay to, bihira na nga lang mag-seryoso eh sasaktan ka pa. Yung tipong sineseryoso ka naman, minsan nakakasawa edi ikaw na rin aayaw.. ano ba yan!!!! PERO GRRRR, SA NGAYON TALAGA, FORGIVE ME, kailangan ko na ng lalake sa buhay ko hahahaha.. mabubuang ako eh. ![]() |
chitchat chitchat
archives
|